Aralin 3
Abril 9-15
Si Cain at ang Kanyang Pamana
Dalawang magkapatid:
- KANILANG KAPANGANAKAN. Genesis 4:1-2.
- Naalala ni Eba ang pangako ng Dios sa Genesis 3:15 nang isilang niya ng una niyang anak. Inisip ni Eba na si Cain ang katuparan ng hula, ang binhing magpapalaya sa kanila mula sa kasalanan.
- Maliwanag, nadaig ng pag-asa ang kapanganakan ni Abel [hébel sa Hebreo], na ang ibig sabihin ng pangalan ay “walang kabuluhan” (tingnan ang Ecclesiastes 12:8).
- Tila, sumusunod si Cain sa mga tagubilin ng Dios (Gn. 2:15). Lahat ay tila umaayon sa plano…
- KANILANG HANDOG. Genesis 4:3-5.
- Habang inisip ni Cain ang kanyang handog bilang kaloob nya sa Dios, inisip ni Abel ang kanyang handog bilang alaala ng kaloob ng Dios sa kanya.
- Nais ni Cain na tanggapin kung ano ang nagawa nya para sa Dios (kaligtasan dahil sa mga gawa). Nais ni Abel na tanggapin kung ano ang ginawa ng Dios para sa kanya (kaligtasan dahil sa pananampalataya).
Kasalanan ni Cain:
- NAGPAPAYO ANG DIOS. Genesis 4:6-8.
- Nagalit si Cain sa Dios at sa kanyang kapatid dahil natanggihan ang kanyang handog. Maaaring may dahilan pa ang pagkagalit sa Dios dahil hindi Nya tinanggap ang kanyang handog. Ngunit bakit nagalit sya sa kanyang kapatid? 1 Juan 3:12.
- Tumugon ang Dios sa galit ni Cain sa pakikitungo sa kanya ng may pagmamahal. Pinayuhan Niya siya upang maiwasan niya ang marami pang pagkakamali, hinikayat syang pumili ng tama.
- NAGPAPARUSA ANG DIOS. Genesis 4:9-16.
- Matapos na patayin ni Cain si Abel, tinanong din sya ng Dios gaya ng ginawa Nya kay Adan: “Saan naroon si Abel na iyong kapatid?” (Genesis 4:9).
- Gayunpaman, hindi kinilala ni Cain ang kanyang kasalanan. Hindi man lang niya sinubukang ipagtanggol ang ginawa nya. Iniwasan nya lang ang tanong at hinamon ang Dios.
- Kaya, hinayaan ng Dios na masumpa si Cain mula sa lupa na uminom ng dugo ng kanyang kapatid (Gn. 4:11). Pinili ni Cain na mamuhay na malayo sa Dios, kaya sya ay hinatulan ng buhay na palaboy (v. 12).
- Hindi nagsisi si Cain, ngunit alam nyang ang pamumuhay na malayo sa Dios ay nangangahulugan ng kamatayan (v. 14). Ngunit kinakalinga ng Dios ang mga makasalanan ng Kanyang awa (Genesis 4:15; Mateo 5:45).
Dalawang angkan:
- ANG MGA ANAK NI CAIN. Genesis 4:17-24.
- Ang angkan ni Cain ay naging mas Malala sa bawat henerasyon. Si Lamec ay isang halimbawa nito. Bahagi sya ng ikapitong henerasyon mula kay Adan.
- ANG MGA ANAK NG DIOS. Genesis 4:25-26.
- Nanampalataya si Eba na ang tagapagpalaya ay magmumula sa angkan ni Set (Gn. 4:25). Ang binhi ng Mesias ay magiging bahagi ng angkan ni Set.
- Ang angkan ni Set (mga anak ng Dios) at kay Cain (mga anak ng tao) ay malinaw na pinag-iba mula kay Enos (Genesis 6:1-2).
- Ang angkan ni Cain ay palayo sa Dios, ngunit ang kay Set ay palapit sa Kanya. Si Enoch ay bahagi din ng ikapitong henerasyon mula kay Adan. Ngunit nakakamangha na salungat ang karanasan nya sa kanyang pinsang si Lamec.
- Tayo ay mga anak ng Dios. Gayahin natin si Enoc at lumakad araw-araw kasama ng Nya (Genesis 5:22).