Aralin 13
Hunyo 18-24
Ang Israel sa Ehipto
- Ang Israel sa Ehipto:
- NAGKITA MULI SINA JACOB AT JOSE. Genesis 46.
- Nang dumating si Jacob sa Beersheba, humingi sya ng gabay sa Dios (Gn. 46:1). Inulit ng Dios ang Kanyang pangako, at siniguro si Jacob na ipipikit ni Jose ang kanyang mga mata (Genesis 46:2-4).
- Pitumpong tao ang tumira sa Ehipto (46:27b). Ang pagkalkula ay kakaiba; hindi binilang ang mga manugang na babae, at binilang sina Jose at kanyang mga anak bagama’t nandoon na sila, ayon sa Gen. 46:26-27).
- Ang bilang na ito ay maaaring kaugnay ng pitumpong bansa na lumabas matapos ang Baha (tingnan ang Genesis 10).
- Sa huli, ang pagpapala ay hindi lang para sa bayan ng Israel, ngunit para sa lahat ng bansa. Ang plano ng kaligtasan ay bumibilang sa bawat tumatanggap ng kapatawaran at buhay na walanghanggan na dinudulot ng sakripisyo ni Jesus.
- TUMIRA ANG ISRAEL SA EHIPTO. Genesis 47.
- Ipinakilala ni Jose ang kanyang mga kapatid bilang mga pastol (Gn. 47:2-3). Halatang ayaw ni Jose na malantad sila sa mga tukso ng paganong hukuman.
- Ibinigay ng Faraon sa kanila ang Goshen, ang pinakamainam para sa pagpapastol. Nag-alok din sya sa kanila ng trabaho: upang alagaan ang mga hayop ng Faraon (Genesis 47:6).
- At ipinakilala ni Jose ang kanyang ama kay Faraon, at pinagpala ni Jacob ang Faraon (Gn. 47:7).
- Isang lagalag na pastol ang nagbasbas sa hari ng pinakamakapangyarihang bansa. “Datapuwa’t walang anomang pagtatalo ang mababa ay pinagpapala ng mataas.” (Hebreo 7:7)
- Para sa Dios, ang tunay na kadakilaan ay nagmumula sa matibay na ugnayan sa Kanya, at hindi mula sa katayuan sa lipunan.
- NAGKITA MULI SINA JACOB AT JOSE. Genesis 46.
- Mga basbas ni Jacob:
- BASBAS PARA KAY JOSE. Genesis 48.
- Kinilala ni Jacob ang mga anak ni Jose na kanilang sarili, kaya binigyan nya ng dalawang bahagi si Jose (i.e. karapatan ng pagkapanganay) (Genesis 48:5).
- Dito sa pribadong pangyayari, tinukoy ni Jacob ang ilang mahalagang pangyayari sa kanyang buhay at ilang mga panghinaharap:
- Blessings for the 12 tribes. Genesis 49:1-28.
- Hinulaan ni Jacob ang hinaharap ng bawat tribu (Genesis 49).
- Kinuha kay Ruben ang pagkapanganay, na ibinigay naman kay Jose.
- Ibinigay kay Juda ang pamumuno, ang “setro.” Ang Mesias, Siloh, ay magmumula sa Juda.
- BASBAS PARA KAY JOSE. Genesis 48.
- ANG PAG-ASANG DARATING. Genesis 49:29-50:26.
- Enimbalsamo si Jacob at inilibing sa Canaan. Isang malaking grupo ng tao—kabilang ang mga Israelita at mga Ehiptio—ang naghatid sa kanyang katawan (Genesis 50:7-10).
- Nag-alala ang mga kapatid ni Jose na maghihiganti sya (Gn. 50:15). Ipinaalala sa kanila ni Jose na ang masasama nilang ginawa ay ginawa ng Dios na pagpapala, upang makapamuhay sila ng ligtas (Genesis 50:19-21).
- Sa huli, inisip ni Jose ang kanyang kamatayan at tumingin sa hinaharap. Naniwala syang dadalawin ng Dios ang Israel at dadalhin sila palabas ng Ehipto. Kaya, nakiusap siyang dalhin ang kanyang kabaong kung matupad na ito (Genesis 50:25).
- Parehong pag-asa ang para din sa atin ngayon. Malapit na tayong dalhin ni Jesus sa Canaan, sa Makalangit na Jerusalem.