Aralin 3
Hulyo 9-15
Ang Kulungan ng Ibon
- Paano tayo sinusubukan?
- DINALA SA DULO NG DAAN.
- Iniligtas ng Dios ang Israel mula sa Ehipto, ngunit ayaw Nyang sundin nila ang daang magaan dahil “Baka sakaling ang bayan ay magsisi… at magsipagbalik sa Egipto.” (Ex. 13:17). Sa halip ay dinala Niya sila sa dulo ng daanan. Napapalibutan sila ng mga bundok at dagat naman sa harap (Ex. 14:3). Bakit?
- Upang ipakita ang Kanyang kapangyarihang nagliligtas (Exodo 14:13)
- Bilang patunay sa mga di-mananampalataya (Exodo 14:18)
- At ano naman sa bayan ng Israel? Mayroon din silang matututunan. Kailangan nilang maniwalang kasama nila ang Dios, at kaya Niyang iligtas sila mula sa anumang sitwasyon o isyung kanilang haharapin.
- Dapat nating ipaubaya ang ating isip at puso sa Dios, lalo na sa panahon ng kahirapan. Dapat payagan natin Syang turuan tayo (Exodo 14:31).
- Iniligtas ng Dios ang Israel mula sa Ehipto, ngunit ayaw Nyang sundin nila ang daang magaan dahil “Baka sakaling ang bayan ay magsisi… at magsipagbalik sa Egipto.” (Ex. 13:17). Sa halip ay dinala Niya sila sa dulo ng daanan. Napapalibutan sila ng mga bundok at dagat naman sa harap (Ex. 14:3). Bakit?
- SINUBUKAN SA PANAHON NG PANGANGAILANGAN.
- Matapos tumawid sa Dagat na Mapula, dinala ng Dios ang Israel sa tuyot na lupain. Kung saan wala silang tubig, nakakita sila sa Mara. Ngunit ang tubig doon ay di maaaring inumin (Exodo 15:22-23).
- Matapos gawin naiinom ang tubig, dinala muli sila ng Dios sa lupang tuyot. Inisip ng iba na nais ng Dios na patayin sila sa uhaw! (Exodo 17:1-3)
- Hindi ba dapat asahan ng mga Kristianong ipagkakaloob ng Dios ang ating mga pangangailangan (Lucas 12:29-30)?
- Nais ng Dios na maunawaan nila ang kasalukuyan nilang kalagayan, at alalahaning lagi Niyang inaalagaan sila. Kailangan nilang maunawaan na kailangan nila ang Dios, na wala silang magagawa kung wala Siya (Juan 15:5).
- NAKALANTAD SA TUKSO.
- Minsan ay natutukso tayo ng ating “masamang hangarin” (Santiago 1:14). Sa ibang panahon, inilalagay tayo ng Dios sa lugar o sitwasyong maaari tayong tuksuhin.
- Sa ikalawang usapin, sinusubukan tayo ng Dios. Inilalagay Niya tayo sa “tunawan” upang dalisayin tayo (o masunog kung magpapatalo tayo sa tukso).
- Sa mga sitwasyong iyon, dapat tayong kumapit sa mga pangako ng Dios (1Co. 10:13) at harapin ang tukso gaya ng kung paano ito hinarap ni Jesus (Lucas 4:1-13).
- DINALA SA DULO NG DAAN.
- Bakit tayo sinusubukan?
- UPANG MAPATIBAY ANG ATING PANANAMPALATAYA.
- Tayo ay mga nangingibang bayan (1 Pedro 1:1; 2:11; Hebreo 11:16). Tayo ay minorya, at kadalasan tayong kinukutya at inuusig. Hinahayaan ito ng Dios upang palakasin ang ating pananampalataya.
- Paano pinatitibay ng pagsubok ang ating pananampalataya?
- Tinutulungan nila tayong ituon ang ating pananampalataya sa layunin
- Tinutulungan nila tayong magtiwala sa Dios sa bawat paghakbang sa daan
- Hinahayaan nila ang Dios na linisin sa atin anumang hadlang sa ating paglakad sa pananampalataya
- UPANG MAPATIBAY ANG ATING PAGTITIWALA.
- Si Juan Bautista ay nakulong sa pagtatanggol sa katotohanan. Mukhang kinalimutan na sya ng Dios. Paano mo mapapanatili ang pagtitiwala mo sa Dios sa sitwasyong iyon?
- Sa pananampalataya. Sa pag-alala sa mga pangako ng Dios. Pagtitiwala sa Kanya at sa lahat ng Kanyang sinulat sa Kanyang Salita: Kawikaan 3:1, 5, 7, 12; Jeremias 29:13; Roma 8:28; 2 Corinto 12:9; Hebreo 13:5.
- UPANG MAPATIBAY ANG ATING PANANAMPALATAYA.