Aralin 1

Hunyo 25-Hulyo 1

Ang Tunawan ng Pastol

  • PINAPATNUBAYAN AKO NG PASTOR. Awit 23:1-2.
    • Malinaw sa Biblia kung sino ang Pastor. si Jesus (Juan 10:14; Hebreo. 13:20).
    • Ano ang ginagawa sa atin ng Pastor?
      • Isaias 40:11. Pinangangalagaan Niya tayo at iniingatan tayo sa ating pagiging mahina
      • Ezekiel 34:12. Kilala Niya tayo, at sinasagip tayo sa mga madilim na araw
      • Ezekiel 37:24. Binibigyan Niya tayo ng direksyon upang mamuhay ng tama
      • Juan 10:11. Ibinibigay Niya sa atin ang Kanyang buhay
      • Juan 10:16. Pinagsasama-sama Niya tayo
  • SA DAAN NG KATUWIRAN. Awit 23:3.
    • Ang kawan ay nasa kanilang paglalakbay. Pinangungunahan tayo ng Pastor sa “mga daang ng katuwiran,” sa mabuting paraan. Alin ang mabuting paraan?
      • Ang isang nagdadala sa tamang destinasyon: ang tahanan ng Pastor, ang Bagong Jerusalem
      • Ang isang nagdudulot sa atin na mamuhay ayon sa kalooban ng Pastor
      • Ang isang nagbabago sa ating upang maging matuwid
    • Masisiguro nating dadalhin tayo ng Dios sa maluwalhating destinasyon, gaano man kadali o kahirap ang daan.
  • WALANG TAKOT SA LIBIS. Awit 23:4.
    • Gaano kahirap magtiwala sa Dios kung hindi natin nakikita ang Kanyang kamay! Maaari nating isiping iniwan na tayo ng Dios kung napapalibutan tayo ng kadiliman, sakit, kahirapan, at takot.
    • Palaging inuulit ng Dios na “Huwag matakot” sa Kanyang Salita (Gn. 15:1; 21:17; 2K. 19:6; Is. 41:10, 13; Jer. 1:8; Gawa 27:4; Apoc. 2:10). Nangako Syang sasaatin palagi, kahit hindi natin Siya nakikita.
    • Makakahanap tayo ng kaaliwan at gabay sa Kanyang “pamalo” at “tungkod” (na maaaring kumatawan sa Biblia at Kautusan).
  • LIGTAS MULA SA MGA KAAWAY. Awit 23:5.
    • May mga kaaway ba ang mga mananampalataya? Sigurado, parehong nakikita at hindi nakikita, parehong kilala at di-kilala (Fil. 3:18; Efe 6:12).
    • Gayunpaman, kung tutuon tayo sa ginagawa ng Dios para sa atin (naghahanda ng mesa, pinapahiran tayo ng langis, pinapaapaw ang ating tasa …), matatabunan ang presensya ng ating mga kaaway.
    • Walang kaaway—nakikita man o hindi—ang makakakuha ng ibinigay sa atin ng Pastor, habang tayo ay kasama Nya.
  • TUNGO SA MALUWALHATING HANTUNGAN. Awit 23:6.
    • Sigurado si David sa dalawang bagay:
      1. Ang mabuti at kaawaan ay palaging susunod—o “hahabol”—sa kanya. Gaano man kalalim ang libis at kapilit ang mga kaaway, ang kasiguruhan ng kabutihan ng Dios at pag-ibig na di kumukupas at Kanyang paggabay hanggang sa dulo ng ating paglalakbay ay tiyak.
      2. meron tayong walanghanggang tahanan kung saan tayo at titira sa presensya ng Dios mismo (Apocalipsis 22:3-4).

Resource Credit: fustero.es (Isinalin ni: Ric Jason Fonte)